Tricycle driver sa Pasay, ibinalik ang natanggap na ₱8,000 cash aid mula sa SAP bilang tulong sa mas nangangailangan

Kahit mahigit isang buwang walang kinita sa pasada dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay isang mabuting loob na tricycle driver sa Lungsod ng Pasay ang nagbalik ang kanyang cash assistance mula sa Social Amelioration Program.

Sa interview ng RMN Manila kay Danilo Rojas, nagdesisyon siyang isauli ang ₱8,000 na para sana sa kanya dahil nakatanggap na naman ang kanyang pamilya na nasa Nueva Ecija ng nasabing tulong pinansiyal.

Aniya, mas marami pa tayong kababayan na mas nangangailanan ng kagaya nito na tulong at isang pamamaraan na din ito upang makatulong siya sa kapwa.


Kaya’t sumasaludo ang RMN Networks sa ginawang kabutihan ni Mang Danilo kung kaya’t magsilbi rin sana itong inspirasyon na maging ang isang simpleng tao na mayroong mabuting puso ay nakakatulong kahit na apektado rin ng krisis na dulot ng COVID-19.

Facebook Comments