Tricycle Driver sa Tumauini, Isabela, Inaresto ng mga otoridad!

Tumauini, Isabela– Arestado ang isang Tricycle Driver matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas dyes kaninag umaga sa Brgy. District 2, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Antonio Bareno Consul, 39 anyos, Tricycle Driver at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Tumauini sa pangunguna ni SPO3 Aldrin Maramag ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kasong Arson.


Nasa himpilan na ng PNP Tumauini ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago dalhin sa court of origin nito.

May inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Consul na nagkakahalagang pitumpu’t dalawang libong piso (P72, 000.00)

Facebook Comments