TRICYCLE DRIVER, SINAKSAK NG KAINUMAN

Isang 32-anyos na tricycle driver ang lubhang nasugatan matapos saksakin sa Naguilian, La Union.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nakikipag-inuman ang biktima kasama ang kanyang mga pinsan malapit sa kanilang compound nang dumating ang dalawang suspek.

Inanyayahan umano ng pinsan ng biktima ang unang suspek na makisalo sa inuman, ngunit makalipas ang ilang sandali ay nagbitaw ito ng masasamang salita.

Nagtalo umano ang dalawa bago humugot ng kutsilyo ang suspek saka isinaksak sa biktima.

Sinubukan pang tumakbo ng biktima ngunit naabutan ng suspek matapos madapa dahilan upang ilang beses pang saksakin ng suspek.

Sinubukan din umano ng isa pang suspek na saksakin ang biktima, ngunit agad itong naharang ng pinsan ng biktima.

Agad na dinala sa ospital ang biktima upang magamot.

Samantala, parehong naaresto ang dalawang suspek malapit sa lugar ng insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments