CAUAYAN CITY- Apektado ang kabuhayan ng ilang tsuper ng tricycle sa Lungsod ng Cauayan dahil sa banta ng Bagyong Marce.
Sa panayam ng IFM News Team kay Mang Edwin, namamasada ng tricycle sa Cauayan, bumaba ang kanilang kita sa pamamasada matapos masuspende ang pasok ng mga mag-aaral sa Lungsod.
Aniya, matumal din umano ang pasahero ngayon dahil sa halip na lumabas ang mga ito upang mamasyal ay pinipili na lamang nilang manatili sa kanilang mga tahanan.
Dagdag pa niya, kalimitang kinikita lamang nila sa maghapon tuwing ganito ang panahon ay nasa tatlong daang piso kung saan hindi ito sapat para sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
Gayunpaman, bagama’t mahina ang kita sa pamamasada at may banta ng bagyo ay pinipili na lamang ng mga tricycle drivers na maghanapbuhay.