Cauayan City – Umalma ang mga namamasadang tricycle drivers sa lungsod ng Cauayan sa bagong ordinansa na gawing yearly ang pagpapa renew ng kanilang prangkisa na dati’y kada tatlong taon.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Ginoong Jake, tricycle driver sa Cauayan, masyadong mabigat para sa kanila ito dahil hindi naman kalakihan ang kanilang kinikita.
Kumpara noong nakaraang taon, mas nakakapanghinayang ang kanilang magagastos dahil madadagdagan na naman aniya ang kanilang pasanin.
Bukod dito, nababawasan din ang kanilang kita sa mga pagsulpot ng mga trike dahil mas pinipili ng mga pasahero na sumakay rito.
Samantala, nanawagan naman ang mga tricycle drivers sa LGU Cauayan na limitahan ang mga trike sa kanilang nasasakupan dahil hindi patas para sa kanila na nagbabayad ng TODA.