TRICYCLE, TINANGAY UMANO NG DALAWANG LALAKI SA CALASIAO

Tinangay umano ng dalawang lalaki ang isang tricycle sa Brgy. Ambonao, Calasiao, sabado ng madaling araw. Nagpunta Umano sa pulisya ang may-ari ng tricycle upang ireport ang nangyaring pagnanakaw sa kanyang tricycle.

Natagpuan Umano ang sidecar ng kanyang tricycle sa isang junkshop sa Brgy. Tuliao, Sta. Barbara. Ayon sa may-ari ng junkshop, bandang alas syete singkwenta ng umaga ng April 5, 2025 nang magpunta umano ang dalawang suspek sa kanyang junk shop at ibinenta ang sidecar sa halagang 1,376 pesos.

Samantala, inihahanda na ang kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 (Republic Act No. 10883) laban sa mga suspek na patuloy na pinaghahanap ng awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments