TRICYCLE NA MAGPIPICK-UP NG PASAHERO, SUMALPOK SA ISANG MOTORSIKLO SA BINALONAN

Sugatan ang dalawang driver ng motorsiklo at tricycle matapos magbanggaan habang binabaybay ang kahabaan ng Brgy. San Felipe Central, Binalonan, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nasa unahan umano ng tricycle ang motor nang bigla itong mag-overtake sa linya ng motor upang magpick-up ng pasahero.

Dahil dito, nagsalpukan ang dalawang sasakyan na kinasugatan ng mga driver.

Dinala sa pagamutan ang dalawa habang isinailalim sa kustodiya ng kapulisan ang mga napinsalang sasakyan para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments