Trilateral Cooperative Arrangement sa pagitan ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia, pinaigting

Pinalakas pa ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia ang Trilateral Cooperative Arrangement (TCA) lalo na sa pagbabantay sa maritime borders ng tatlong bansa.

Nitong March 28, 2022, muling nagpulong sina Malaysian Minister Hishammuddin Hussein, Indonesian Defense Minister Prabowo Subianto, at Defense Secretary Delfin Lorenzana at pinag-usapan kung paano mas palalawakin pa ang seguridad sa Sulu at Sulawesi seas.

Ayon sa kalihim, napagkasunduan nila ng kaniyang mga counterpart na i-develop pa at palawakin ang TCA hanggag sa kasalukuyang security landscape sa pamamagitan ng multi-agency combination.


Nais nilang palakasin ang pagpapatupad ngTrilateral Maritime Patrol Relations Officers sa bawat bansa at paigtingin ang intelligence in surveillance operations.

Napagkasunduan din na paigtingin ang monitoring sa mga karagatan at i-explore ang posibilidad na magsagawa ng joint training.

Sinabi pa ng Kalihim, nang pirmahan ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia ang TCA noong 2017, dahil sa isinagawang joint patrols and sharing of intelligence, nagresulta ito sa zero incidence ng kidnapping for ransom na dati ay talamak sa Sulu at Sulawesi seas.

Facebook Comments