Manila, Philippines – Wala pang ginagawa ang Armed Forces of the Philippines court martial sa kaso ni Senator Antonio Trillanes IV.
Ito ay kahit na pinagtibay na ng korte ang presidential proclamation 572 o ang pagpapawalang bisa sa amnesty ni Senator Trillanes.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez, hindi pa magko convene ang AFP court martial hanggat may mga apela pa kaugnay sa kaso ng senador.
Maghihintay aniya sila sa mga susunod na desisyon ng civilian court bago sila gagawa nang anumang hakbang.
Matatandaang una bumuo ng bagong set ng court martial ang AFP para sa kaso ni Sen. Trillianes at nagconvene pero inihinto at ipinaubaya na sa civilian court.
Facebook Comments