Manila, Philippines – Kiinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na nakapaghain na sila ng partial motion for reconsideration sa Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 148 matapos ibasura ng korte ang hirit ng Department of Justice (DOJ) na ipaaresto si Sen. Antonio Trillanes IV.
Base sa mosyon ng DoJ, hiniling nila sa Makati RTC Branch 148 na amiyendahan ang ruling sa pagbasura sa kanilang hirit na maglabas ang korte ng alias warrant of arrest at hold departure order (HDO) sa kasong kudeta ni Trillanes.
Hiniling din nila sa Makati RTC na panatilihin ang kanilang desisyon na nagpapatibay sa legalidad ng Proclamation No. 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbo-void sa amnesty ni Trillanes.
Nakatakda namang magsagawa ang korte ng pagdinig sa partial motion for reconsideration ng DOJ sa Martes, Oktubre 30.