Hindi na kailangan maghain ng panibagong argumento ang Department of Justice sa Makati Regional Trial Court kaugnay ng pagtutol ito na makabiyahe abroad si Senador Antonio Trillanes.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, tanging gagawin lang ng DOJ sa pagdinig ng Makati RTC-150 sa Mosyon ni Senador Trillanes ay igiit ang kanilang una ng argumentong inilatag sa Korte.
November 29 nang payagan ni Judge Alameda si Senador Trillanes na bumiyahe sa Europe at US simula sa December 11 kapag nakapagbayad siya ng 200 libo na Travel Bond.
Pero umapela ang DOJ Prosecutors dahil sa pagiging flisk risk ng mambabatas.
Facebook Comments