Manila, Philippines – Walang inaasahang lalabas na desisyon mula sa Makati RTC branch 148 ngayong hapon.
Ito ang sinabi ni PSSupt Rogelio Simon, hepe ng Makati Police, makaraang personal na puntahan si Judge Andres Soriano upang humingi ng update sa mosyon ng DOJ na nagpapalabas ng warrant of arrest at Hold Departure Order laban kay Sen Antonio Trillanes IV, para sa kaso nitong kudeta noong 2003.
Aniya naging maikli ang tugon ni Judge Soriano nang sabihin nito na hindi ngayong araw maglalabas ng desisyon.
Kaugnay nito, umapela na man si Simon kay Judge Soriano, na kung maaari ay bigyan sila ng 2 hanggang 3 oras na palugit sakaling maglabas ng impormasyon, upang maihanda nila ang mga huhuguting tauhan at mobile car sakaling paburan ng mababang korte ang mosyon ng DOJ.
Wala ring binanggit na eksaktong petsa ang mababang hukom kung kailan sila maglalabas ng desisyon, kaya’t bukas ay mananatili pa rin nakaantabay ang hanay ng Makati Police.