Malinaw para kay dating Senador Antonio Trillanes na panggigipit at pangha-harass ang ginagawa ng Duterte administration kasabay ng paghahain ng patung-patong na kaso laban sa mga miyembro ng oposisyon.
Ayon kay Trillanes – maituturing itong pagsakal sa democratic dissent.
Diin pa ni Trillanes, inabuso ng PNP-CIDG investigators ang paggamit ng subpoena powers para isa-isahin ang mga kritiko ng administrasyon.
Pinuna rin ng dating senador ang mabagal na usad sa paglutas sa libu-libong homicide cases under investigation na hinihinalang extrajudicial killings o EJK.
Umaasa si Trillanes na hindi magpagamit sa pulitika ang mga DOJ prosecutors na mag-iimbestiga sa mga kasong ito.
Handa rin si Trillanes na harapin ang mga kaso at gagamitin niya ang pagkakataon para mailabas ang kaugnayan ni Pangulong Duterte sa ilegal na droga.