Trillanes, handang magpa-aresto at lalong ginaganahan sa pagiging kritiko ng administrasyon

Manila, Philippines – Sa halip na matakot ay lalo pang ginaganahan si Senator Antonio Trilllanes IV sa pagiging kritiko niya ng Administrasyong Duterte.

Diin ni Trillanes, walang basehan ang pagbawi sa kanyang amnestiya dahil natupad niya lahat ng kwalipikasyon tulad ng pagsusumite ng aplikasyon.

Ayon kay Trillanes, ginagawa ng mga abogado niya ang legal na remedyo pero handa syang pa-aresto at sumunod din sa magiging pasya ng liderato ng Senado.


Ayon kay Trillanes, malinaw na ang panibagong hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte ay para gipitin sya.

Marahil aniya ay layunin din nito na pigilan ang imbestigasyon niya ukol sa multi milyong piso na kontranta sa gobyerno na nakuha ng security agency na pagmamay-ari ng pamilya ni Solicitor General Jose Calida.

Facebook Comments