Trillanes, magtuturo sa UP at Ateneo matapos ang termino sa Senado

File photo

Ipinahayag ni Antonio Trillanes IV na pagtapos ng kaniyang termino sa Senado ay magtuturo siya bilang professor sa dalawang primiyadong unibersidad sa bansa.

Isa na rito ang University of the Philippines-Diliman (UP), kung saan magtututro siya ng “Public Policy” habang sa Ateneo de Manila University naman ay inaasikaso pa.

“More relaxing life after the Senate and right now, I am preparing for my teaching work this coming semester,” ani Trillanes.


Kilalang kritiko si Trillanes sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kabilang dito ang babala niyang ‘paglantad’ ng drug links at kay Duterte.

Matatandaan ding pabiro siyang inalok ni Senator Nancy Binay na magturo sa University of Makati kasama ng libreng parking, admisyon sa ospital at iba pa.

Si Antonio Trillanes IV ay nakapagtapos ng masters na Public Administration major in Public Policy and Program Management sa University of the Philippines at naging Cum Laude sa Philippine Military Academy. Natapos ang kaniyang ikalawang termino bilang senador nitong Hunyo 30.

Facebook Comments