Trillanes, malayang sampahan ng kaso si Assistant Secretary Mocha Uson – Palasyo

Manila, Philippines – Ayaw nang patulan ng Palasyo ng Malacañang ang pagsasampa ng kaso ni Senador Antonio Trillanes laban kay Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Kanina kasi ay sinampahan ni Trillanes si Uson ng 3 counts ng Cyber Libel, paglabag sa anti-graft and corrupt practices act at iba pa sa office of the Ombudsman.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, malaya naman si Trillanes na gawin ang nais nitong gawin dahil karapatan niya ito.


Hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Uson ukol sa kasong isinampa sa kanya ni Trillanes.

Matatandaan na hinahamon pa ni Uson si Trillanes na magsampa ng kaso dahil na rin sa mga inilabas nitong impormasyon kaugnay sa bank account umano ng Senador.

Facebook Comments