Nagsampa ng kasong libel at cyber libel si Senador Antonio Trillanes IV sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa ilang pro-Duterte personalities at social media account holders.
Kinabibilangan ito nina dating Presidential Spokesperson Harry Roque; ang media network Sonshine Media Network International (SMNI), vlogger na si Byron Cristobal na mas kilala sa tawag na Banat By.
Sa panayam ng media, sinabi ni Trillanes na sagot niya ito sa tuloy-tuloy umano na online attacks at pagpapakalat ng maling akusasyon sa kaniya ng mga naturang personalidad at media entity.
Kabilang aniya sa maling impormasyon na ipinapalaganap nina Roque at Banat ay ang pagbebenta niya sa Scarborough Shoal sa China sa isang backchannel talks noong 2012.
Ani Trillanes, makailang ulit na niyang ipinaliwanag ang tungkol sa backchannel talks sa mga Senate hearings.
Kabilang din sa kinasuhan ng libel at cyber libel ay si Guillermina Barrido na sinasabing fake witness umano ng dating senador laban sa noon ay dating President Duterte.