Trillanes, nahihibang na ayon kay Senator Lacson

Manila, Philippines – Naniniwala si Senator Panfilo Ping Lacson na nahihibang o nagha-hallucinate lang si Senator Antonio Trillanes IV at malayo sa realidad.

Tugon ito ni Lacson sa pahayag ni Trillanes na mistulang puppet ng administrasyong Duterte ang mga senador dahil sumusunod lang sa kagustuhan ng palasyo.

Giit ni Lacson, mali ang pinagsasabi ni Trillanes.


Nagtataka si Lacson kung saan nagmumula o saan ang hugot ni Trillanes sa mga inihahayag nito.

Para kay Lacson, mukhang hindi rin malinaw kung makatwiran pa ang pag-iisip ni Trillanes.

Dagdag pa ni Lacson na ang pinakawalang kwentang gawin ng isang senador katulad ni Trillanes ay ang ilaglag ang kanyang kasamahan at akusahang puppet at duwag ng walang sapat na basehan.

Sa tingin naman ni Senate President Koko Pimentel, paulit-ulit lang ang nabanggit na mga pahayag ni Trillanes para malagay siya sa mga balita.

Facebook Comments