Trillanes, puro lamang daldal ayon kay Pangulong Duterte

Puro lamang daldal si dating Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ang sagot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa akusasyon ng dating mambabatas na sila ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ay sangkot sa pandarambong.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, itinanggi ni Pangulong Duterte ang alegasyon ni Trillanes.


Ipinauubayan na ni Pangulong Duterte kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Trillanes lalo na at hindi naman kumakasa ang dating senador sa debate.

Inihalintulad pa ni Pangulong Duterte ang pamababato ni Trillanes ng alegasyon sa ginagawa ni Senator Manny Pacquiao para sa pulitika.

Matatandaang sinabi ni Trillanes na mayroon siyang dokumento mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Commission on Audit (COA) kung saan ang construction business ni Sen. Go ay nakakuha ng 6.6 billion pesos na halaga ng government contracts kahit ipinagbabawal ito ng batas.

Una nang itinanggi ni Sen. Go ang mga akusasyon ni Trillanes.

Facebook Comments