Trillion Peso March, ikakasa ng Simbahang Katolika sa EDSA sa Bonifacio Day

Muling magkakasa ng Trillion Peso March ang Simbahang Katolika ngayong buwan.

Ayon sa Caritas Philippines, isasagawa ang mayapang kilos protesta sa Linggo, November 30 kasabay ng Bonifacio Day.

Gaya noong September 21, idaraos ulit ito sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.

Bahagi pa rin anila ito ng panawagan laban sa korapsiyon at pagkakaroon ng hustisya, transparency at accountability.

Nasa libu-libo ang nakiisa sa kilos protesta noong September 21 kasabay ng ika-53 anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law sa bansa.

Dumalo sa pagtitipon ang mga mula sa iba’t ibang sektor, mga celebrity at ang mga kinatawan ng Simbahang Katolika.

Hiling nila na may mapanagot sa mga sangkot sa malawakang korapsyon partikular sa flood control projects.

Facebook Comments