
Nagsimula na ngayong umaga ang programa para sa malawakang kilos-protesta — ang Trillion Peso March — sa EDSA People Power Monument sa Quezon City. Dinaluhan ito ng iba’t ibang grupo mula sa iba’t ibang sektor na kanilang kinakatawan.
Bago nagsimula ang programa, ilan sa mga grupo ang nagmartsa mula sa kani-kanilang assembly points; isa na rito ang EDSA Shrine sa Ortigas Avenue.
Sumama sina Congressman Chel Diokno at Congressman Percy Cedaña mula sa Akbayan Party-list.
Nakiisa rin si Mayors for Good Governance (M4GG) Baguio City Mayor Benjie Magalong upang makiisa sa kilos-protesta.
Bukod sa mga opisyal, nakiisa rin sa protesta ang ilang personalidad, kabilang si Elijah Canlas.
Pinaiigting ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagpapatupad ng “maximum tolerance” sa paligid ng EDSA People Power Monument. Kasabay nito, naka-deploy din ang mga tauhan ng Quezon City LGU, kabilang ang Traffic and Transport Management Department, upang tumulong sa traffic management at seguridad ng pagtitipon.









