Inaasahan ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda na ang Maharlika Investment Fund ay magiging daan para mapondohan at maipatupad ang iba’t ibang proyekto sa bansa.
Tinukoy ni Saceda na panggagalingan ng pondo ang halos ₱19-na trilyong pisong investible funds na umiikot sa ating banking system habang may ₱5.7-trillion na savings naman ang ilan sa pinakamalalaking kompanya sa Southeast Asia na nasa sa Pilipinas.
Ayon kay Salceda, ang nabanggit na napakalaking halaga ng salapi ay napupunta sa dibidendo sa labas ng Pilipinas o kaya ay pambayad ng foreign corporate debts sa halip na magamit sa mga proyektong magpapaunlad ng bansa.
Diin ni Salceda, dahil sa MIF ay matutugunan na ang funding gap sa iba’t ibang programa at proyekto ng gobyerno.