Nabigyang linaw na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga usapin kaugnay sa mga utang ng bansa.
Reaksyon ito ni acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar kasunod ng pahayag ng isang presidential candidate na nakakahiya para sa sinomang public official na mag-iwan ng trilyong pisong halaga ng utang bilang legasiya.
Ayon kay Secretary Andanar, ang pahayag na ito ng isang kandidato ay bahagi lamang ng mga election campaign rhetoric.
Una na rin naman aniyang naipaliwanag ni Pangulong Duterte na ang mga inutang ng bansa, ay upang pondohan ang mga programa at proyekto ng pamahalaan.
Ang mahalaga naman aniya sa usapin ito ay walang iregularidad sa paggastos ng gobyerno sa pondo nito.
Facebook Comments