Tuesday, February 17, 2026

Trimester system ng DepEd, kailangan munang pag-aralan — Malacañang

Pag-aralan muna ng Malacañang ang mungkahi ng Department of Education (DepEd) na magpatupad ng trimester system sa susunod na pasukan.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro, mahalagang makonsulta ang mga guro, magulang, at estudyante upang masiguro na makabubuti ang anumang pagbabago sa school calendar.

Ang ganitong hakbang kasi aniya ay hindi basta ipinapatupad dahil may epekto ito sa buong sistema ng edukasyon.

Sa ngayon, panukala pa lamang ito at dadaan pa sa masusing pagtalakay bago tuluyang pagdesisyunan.

Facebook Comments