Trina Candaza, nagsalita na kaugnay sa relasyon nila ni Carlo Aquino

86
COURTESY: TRINA CANDAZA INSTAGRAM

Nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon ang model na si Trina Candaza tungkol sa isang taong relasyon nila ng boyfriend na si Carlo Aquino.

Sa pamamagitan ng Instagram ay isa-isang sinagot ng 24-years old na si Trina ang mga tanong ng netizens.

Say ni Trina, nagkakilala sila ni Carlo noong May 2018 sa isang car show event.

Napadaan daw sa kanilang booth si Carlo kung saan nauna raw ang aktor na nagsabing gusto nitong magpa-picture kasama si Trina, pero humingi rin daw siya ng souvenir picture kasama ang aktor.

Naging masugid na manliligaw raw ni Trina ang aktor at laging may pa-flowers at lagi siyang binubusog.

Dahil sa pagiging sweet at masugid sa panliligaw, naging opisyal na magkasintahan sila ni Carlo noong January 2019.

Nabatid na naging kontrobersiyal ang pagkakaugnay noon ni Carlo kay Trina dahil noong panahon kasing iyon ay tampok ng espekulasyon ang pagiging malapit ni Carlo at ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.




Nitong nakaraang buwan ay kapapanganak lang ni Trina sa panganay nila ni Carlo.

Facebook Comments