TRIP LANG? | 2 lalaki, sugatan matapos bugbugin at saksakin

Tondo, Maynila – Sugatan ang dalawang lalaki matapos mapagtripang bugbugin at saksakin sa Moriones kanto ng Zamora Street, Tondo, Maynila.

Nakilala ang mga biktima na sina Jerwin Lozano, driver ng trailer truck at pahinante niya na si alyas Nestor.

Sa ulat, bibili lang ng siopao sa convenience store si Lozano ng paluin ng bote sa ulo saka biglang sinaksak kung saan nadamay sa insidente ang pahinante nito ng sinubukang tumulong.


Tumakas ang mga hindi nakilalang suspek gamit ang motorsiklo pero bumangga sila sa isang pampasaherong jeep kaya at iniwan na lamang nila ito.

Sa ngayon nasa hospital na ang mga biktima habang patuloy ang imbistigasyon ng pulisya sa krimen.

Facebook Comments