TRIP TRIP LANG? | Putol na daliri, ginawang pendant ng babae sa England

England – Kakaiba ang trip sa katawan ng isang babaeng tattoo artist at body piercer sa Colchester sa England.

Bukod kasi sa tadtad na tattoo at hikaw sa iba’t ibang bahagi ng katawan, ipinagmamalaki ngayon ni Torz Reynolds ang ginawa niyang pagputol sa hinliliit niyang daliri.

At ang mas nakakaloka rito, ang putol na daliri, ginawa niya pang pendant sa isinusuot niyang kwintas!


Kwento ni Torz, ginaya niya lang daw ito sa kanyang kaibigan dahil gusto niya ring malaman ang pakiramdam na putol ang isang daliri sa kamay.

Sayang din naman daw kung itatapon niya lang ito kaya matapos patigasin sa freezer kasama ng mga green peas, inilagay niya ito sa maliit na glass veil at ginawang pendant.

At para mapaganda ang itsura ng putol niyang daliri, binilhan ito ng miniature hats ng kanyang boyfriend.

Facebook Comments