12Nanatiling konsepto pa lamang ang ikinakasang tripartite agreement sa pagitan ng Pilipinas, Japan at Amerika.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nasa konsepto pa lamang ang naturang ideya sa dalawang kaalyadong bansa.
Wala pa aniyang detalye sa binubuong tripartite agreement, kailangan aniyang minsan ay magkaroong ng pagpupulong kaugnay dito ang mga Japanese at American counterparts.
“So siguro sometime down the road we will sit down with our Japanese counterparts and American counterparts at tingnan talaga natin what is it really that they want. We don’t as I said – it’s only been proposed in principle and that’s as far as it goes so far,” pahayag ng pangulo.
Sa ngayon ay kailangan muna ayon sa pangulo na busisiin ang detalye dahil kung tutuusin ayon sa pangulo in principle pa lamang ang tripartite agreement.
Nagtungo sa Japan si Pangulong Marcos para sa limang araw na working visit kung saan napagkasunduan nina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palakasin pa ang depensa ng dalawang bansa.