Tripartite meeting para sa “doble plaka” law, inihirit ng isang Senador

Iginiit ni Senator JV Ejercito ang pagsasagawa ng isang tripartite meeting hinggil sa kontroberisyal na “doble plaka” law o Motorcycle Crime Prevention Law.

Ginawa ng Senador ang suhestiyon matapos itulak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaliban sa implementasyon ng nasabing batas.

Ayon kay Ejercito, ang tripartite meeting ay dapat binubuo ng gobyerno na kakatawanin ng Land Transportation Office o LTO, motorcycle community at mga lider ng anti-crime civil society groups.


Binigyang diin ni Ejercito na dapat magka-usap ang mga rider, gobyerno at mga people’s movement against criminality para magtulungan kung papaano mapapaganda at magiging tagumpay ang batas na ito.

Maganda para kay Ejercito ang layunin ng batas pero kailangang dinggin ang pagtutol ng mga rider sa paglalagay ng metal na plaka sa harap motorsiklo dahil posible itong makadisgrasya gayundin ang napakataas na multa na mula 50,000 pesos hanggang 100,000 pesos.

Facebook Comments