Triple-header games, ikakasa ng PBA sa pagbubukas ng 46th season nito

Magsasagawa ang Philippine Basketball Association (PBA) ng triple-header games sa pagsisimula ng 46th season ng All-Filipino Conference.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, ikakasa ang mga laro tuwing Miyerkules, Biyernes at Sabado para makabawi sa nawalang oras dahil sa pandemya.

Gayunman, oras aniyang magsimula na ang PBA 3X3 sa susunod na buwan, magiging double header na lamang ang mga laro.


Ang PBA 2021 season ay nakatakdang magbukas sa Hulyo 16 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa pamamagitan ng closed-circuit semi-bubble setup.

Tiniyak din ni Marcial na 95 percent na ng mga manlalaro at staff ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Facebook Comments