“Triple whammy” sa problema sa pagkain, pinangangambahan

Nagbabala ang Kamara sa posibleng “triple whammy” sa pagtaas ng presyo ng pagkain sa gitna ng giyera ng Ukraine at Russia.

Sa kabila ng problema sa pagsirit ng presyo ng langis at kakulangan sa suplay ng trigo ay posibleng makadagdag sa paglala sa problema ng pagkain ang kakulangan sa suplay ng poultry products.

Giit ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, hindi dapat maharap ang bansa sa isyu sa kakulangan ng poultry supply lalo’t may bagong strain ng avian flu.


Posibleng dumagdag pa ito sa problema na pinapasan ng mga mahihirap na mataas na presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.

Naunang inendorso sa Kamara ang dagdag na pondo para labanan ang pagkalat ng bird flu.

Pinangangambahan na kapag kumalat ang avian flu sa mga poultry farms ay “disaster” ito sa presyo ng poultry meat and products tulad ng keso, itlog at iba pa.

Facebook Comments