Tripleng seguridad sa Bicol Region, ipinatupad ng 9th Infantry Division kaugnay sa sunod-sunod na pag-harass ng mga rebelde sa mga detachment ng kanilang kampo

Bicol, Philippines – Tripleng seguridad ang ipatutupad 9th Infantry Division ng Philippine Army.

Ito ay matapos ipag-utos ni commander Major General Manolito P. Orenza ng AFP, sa lahat ng brigade commander at sa mga battalion commander nito kaugnay sa sunod-sunod na pag-harass sa lalawigan ng Albay sa iba’t ibang detachment ng kampo ng Philippine Army.

Bagama’t wala namang nalagasan sa hanay ng Philippine Army, isa naman ang nalagas sa hanay ng mga rebelde kung saan nasamsam ang mga itinagong baril, kasama ang mga landmine at iba pang mga armas.


Dapat lamang aniya na triplehin pa ang pagpapaigting ng seguridad para hindi makasingit ang mga kalaban ng pamahalaan.

DZXL558, Leo Barcellano

Facebook Comments