TRO | Angkas, magsusumite ng komento ngayong araw

Manila, Philippines – Isusumite ng motorcycle ride-hailing firm na Angkas ang kanilang komento sa Temporary Restraining Order (TRO) sa Korte Suprema ngayong araw.

Nabatid na naglabas ng TRO ang Korte Suprema para sa utos ng Mandaluyong Regional Trial Court na atasan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) na pagbawalan ang Angkas na pumasada hanggat walang congressional franchise.

Ayon kay Angkas public affairs head George Royeca – handa naman silang sumunod sa TRO.


Pinaaalahanan din ni Royeca ang mga partner-drivers nito na sumunod at igalang ang mga awtoridad sakaling hulihin sila at i-impound ang kanilang motorsiklo.

Iginiit pa ni Royeca – na ‘insured’ ang mga pasaherong gumagamit at sumasay sa kanila.

Aniya, ang bikers at mga pasahero ay may accident insurance na aabot sa 30,000 pesos para sa medical reimbursement at 200,000 pesos ka pang may fatality.

Samantala, suot ang itim at asul na uniporme, libu-libong Angkas riders ang sabay-sabay na bumiyahe sa EDSA bilang bahagi ng unity ride kahapon.

Facebook Comments