TRO laban kay Incumbent Governor Mamba at ilang Department Heads ng Cagayan, Pinalawig

Cauayan City, Isabela-Tatagal ng dalawampung (20) araw ang bisa ng Temporary Restraining Order na inisyu ng Regional Trial Court Branch 3 Tuguegarao City laban kay incumbent Governor Manuel Mamba at mga department heads ng Provincial Government.

Ibig sabihin umano ay bawal na maglabas at gumastos ng pondo ng pamahalaan sa panahon ng eleksyon.

Ayon sa social media post ni Cagayan 3rd District Congressman Joseph “Jojo Pulsar” Lasam Lara <www.facebook.com/JosephJojoLara>, napagdesisyunan ng korte na palawigin ang TRO matapos ang isinagawang pagdinig sa argumento ng mga Partido kung saan nakitaan ito ng balidong rason sa pagpapalawig nito.

Sa kabila umano ng nauna nang kautusan ng korte, hindi pa rin nagpapigil ang kampo ni Mamba sa umano’y iligal na pamumudmod ng pera sa mga mamamayan.

Sinasabing nag-cash advance pa umano ang kampo ni Mamba ng P550 milyon mula sa pondo ng kapitolyo na hindi malinaw kung paano at saan gagamitin ang pondo.

Matatandaan na nagsampa ng kaso si Atty. Victorio Casauay laban sa Gobernador at ilang department heads dahil umano sa paglabag sa COMELEC Resolution 10747 na mahigpit na ipinagbabawal sa release, disbursement at expenditures sa anumang uri o paraan sa panahon ng kampanya gamit ang pondo ng gobyerno.

Katunggali naman sa pagka-Gobernador ni Mamba ang asawa ni Congressman Lara na si Dok Zarah “Pulsar” De Guzman Lara <www.facebook.com/DokZarah/> .

Facebook Comments