TRO laban sa extension project ng isang mall sa Baguio City, pinagtibay ng SC

Pinagtibay ng Korte Suprema ang naunang desisyon nito nung March 24, 2015 laban sa pagtatayo ng ekstensyon ng isang mall sa Luneta Hill sa Baguio City.

Sa pinalabas na desisyon ng SC sa en banc session dito sa Baguio City, mananatili ang Temporary Restraining Order o TRO  laban sa SM Mall at  hindi maaaring magputol ng mga punongkahoy.

Maaari lamang mabawi ang permanent status ng TRO laban sa nasabing mall, kung masusunod ang pagkuha nito ng aplikasyon para sa Environmental Compliance Certificate o ECC mula sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.


Ang nilabas na desisyon ng SC ay kaugnay ng kasong naisampa sa pagitan ng Cordillera global network laban kay noon ay dating Environment Secretary Ramon Paje at iba pa.

Facebook Comments