Tropa ng 86IB at TOG 2, Naghulog ng Leaflets para sa mga Rebelde

77

Cauayan City, Isabela- Nagsanib pwersa ang kasundaluhan ng 86th Infantry (Highlander) Battalion at Tactical Operations Group 2 (TOG 2) ng Philippine Airforce (PAF) upang muling hikayatin ang mga rebelde na magbalik loob na sa pamahalaan.

Gamit ang sasakyang panghimpapawid ng TOG 2, naghulog ang kasundaluhan ng mga leaflets o pulyetos sa mga liblib na barangay ng Echague at San Guillermo sa Lalawigan ng Isabela.

Ang ginagawang leaflets air dropping ng militar ay layong mapasok at mahatiran ng mga impormasyon ang mga liblib na lugar na limitado ang pagpasok ng transportasyon at posibleng pinamumugaran ng mga rebelde.


Layon din nito na matulungang makapagbagong buhay ang mga rebeldeng nalinlang sa maling ideolohiya na nais nang bumaba at kumalas sa kilusan upang matapos na ang insurhensiya sa nasasakupan ng 86IB.

Facebook Comments