Tropa ng 86th IB, Nakiisa sa Pagbibigay ng Tulong sa Nueva Vizcaya!

81

Cauayan City, Isabela- Nakiisa ang pwersa ng 86th Infantry Battalion ng 5ID, Philippine Army sa pagbibigay ng tulong sa mga residente ng Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya.

Ito ay sa pangunguna ni 1LT Rodel Bunao ng 86th IB katuwang ang LGU Dupax Del Sur sa pamumuno ni Mayor Ruben Basconcillo.


Nagtulungan ang tropa ng kasundaluhan at ng LGU sa pag-repack ng mga relief goods at ipinamigay sa mga mamamayan ng naturang bayan na karamihan ay hindi makapagtrabaho kaya’t hirap na makahanap at makapag-provide ng pagkain dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Ayon naman kay LTC Ali Alejo, Commanding Officer ng 86th IB, nagpapakita aniya ito ng tunay na bayanihan ng mga Pilipino sa kabila ng ating nararanasang krisis.

Bukas at Nakahanda rin aniyang tumulong ang tanggapan ng 86th IB sa sinumang hihingi o nangangailangan ng tulong.

Facebook Comments