Tropa ng 95th Infantry Battalion, Sumailalim sa Drug Test

72

Cauayan City, Isabela- Sumailalim sa random drug test ang mahigit 80 na kasundaluhan ng 95th Infantry ‘SALAKNIB’ Battalion sa pangunguna ng kanilang Executive Officer na si Army Major Oscar Blanza.

Kasama rin sa mga nagpa-drug test ang CAFGU Active Auxiliary (CAA) at ilan pang opisyal ng nasabing yunit.

Ayon kay Major Blanza, patunay lamang aniya na ang buong kasundaluhan ng 95 th IB ay nagseserbisyo ng walang bahid na anomalya at pagpapakita na sila’y hindi sangkot o gumagamit ng iligal na droga.


Tanging layunin lamang aniya ng kasundaluhan ay magampanan ang tungkulin para maprotektahan at maibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng taong bayan.

Samantala, lahat ng mga nagpasuring sundalo ay nagnegatibo sa iligal na droga base na rin ito sa naging resulta ng kanilang drug test.

Facebook Comments