Maayos na nakabalik sa kanilang ng kampo ang spearhead troopers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsilbing dagdag-pwersa sa Western at Central Visayas nitong panahon ng eleksyon.
Ayon kay Major General Benedict Arevalo, commanding general ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army (PA) malaking parte ang ginampanan ng mga sundalo sa pagdaraos ng tagumpay na eleksyon.
Sa pamamagitan kasi ng kanilang presensya ay napigilan ang mga grupo na posibleng manggulo.
Matatandaan na aabot sa 4,840 Army personnel kasama ang mga Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ang ipinadala sa Regions 6 at 7 para tumulong sa Philippine National Police (PNP).
Bukod naman sa seguridad kasama rin sa kanilang ginampanan ang aerial transport at retrieval ng voting counting machines o VCM.