Tropa ng militar ng India at China, umalis na sa pinag-aagawang border area

Nagsimula nang kumalas ang mga tropa ng militar sa India at China sa pinag-aagawang Gogra-Hotsprings border area sa Western Himalayas.

Ito ang pahayag ng gobyerno ng India, isang linggo bago ang nakatakdang pagpupulong sa Uzbekistan na inaasahang dadaluhan nina Chinese President Xi Jinping at Indian Prime Minister Narendra Modi.

Ayon sa India, ang maayos at planadong pag-pull out ng mga sundalo sa lugar ay paraan upang mapanatili ang kapayapaan.


Mababatid na pinaghihiwalay ang dalawang nasyon ng 3,800 kilometrong border kung saan nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng India at China noong June 2020 na nagresulta sa pagkasawi ng 20 Indian at apat na Chinese soldiers.

Facebook Comments