Tropa ng militar sa Marawi, binisita ni Senator Pacquiao

Manila, Philippines – Sa gitna ng patuloy na bakbakan ng tropa ng militar at grupong Maute ay binisita ni Senator Manny Pacquiao ang tropa ng 103rd Brigade sa Marawi City.

Si senator pacquiao ay isang reserve officer ng Philippine Army na may ranggong Lieutenant Colonel.

Alas nuebe ng umaga ng dumating ang pambansang kamao sa Marawi suot ang full military suit ng elite Army Special Forces kung saan sya honorary member.


Sinalubong ang senador nina Western Mindanao Command Lieutenant General Carlito Galvez at Joint Task Force Marawi ground commander Brigadier General Rolando Joselito Bautista.

Tumanggap si Senator Pacquiao ng briefing mula sa Task Force Marawi kaugnay sa nananatiling krisis sa lugar simula pa noong May 23.

Layunin ng pagtungo ni Senator Pacquiao sa Marawi na palakasin ang morale ng mga sundalong patuloy na lumalaban sa naghahasik ng karahasan sa nabanggit na bahagi ng Mindanao na nananatiling nasa ilalim ng batas militar.

Namahagi din si Senator Pacquiao ng relief goods para sa mga sundalo.

Facebook Comments