Tropa ng pamahalaan, gumamit na ng kanyon para pulbusin ang natitirang bilang ng Maute Group sa Marawi City

Manila, Philippines – Bukod sa pagpapakawala ng mga air strike, gumagamit na rin ngayon ng militar ng kanyon sa pakikipaglaban sa Maute Group sa Marawi City.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla – kinailangan nila gumamit ng kanyon para tuluyan nang mawasakan ang bakbakan laban sa maute na mahigit isang linggo nang nagaganap sa Marawi.

Karaniwang ginagamit ang kanyon sa mga operasyon ng militar sa bundok at gubat, pero dahil sa lumalalang kaguluhan sa Marawi, kinailangan na aniya itong gawin.


Kasabay nito, sinabi ni Padilla nasa 10 percent na lamang ang hawak ng Maute Group na kanilang pinagtutuunan ng pansin.

Una nang pinapili na ng AFP ang teroristang grupo kung nais pa ba nilang mabuhay sa pamamagitan ng pag-suko, o mamatay na lang sa pakikipagbakbakan.

DZXL558

Facebook Comments