Tropa ng PCG, mananatili sa Lanao Lake

Manila, Philippines – Pinaghahandaan ngayon ng Philippine Coast Guard ang pagtatayo ng Coast Guard Station sa Marawi City upang matiyak na hindi na makalulusot ang mga teroristang Isis Maute na planong maghasik ng kaguluhan sa Mindanao.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo mananatili pa rin sa Ranao Lake ang mga tropa ng Philippine Coast Guard mula sa kanilang Special Operation Group at Anti-Terrorism Unit upang mahigpit na bantayan ang naturang lawa.

Paliwanag ni Balilo napaka halaga ang presensya ng kanilang mga tauhan sa lugar upang panatilihin ang pagbibigay ng seguridad sa Marawi, Iligan City at mga katabing mga lugar na nakapalibot sa Lanao Lake.


Dagdag pa ni Balilo na posibleng bago sumapit ang ika 116 na taon na Anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine Coast Guard bago mag Disyembre ay pabalikin na sila sa Coast Guard Headquarters at gawaran ng parangal sa pamamagitan ng isang seremonya.

Facebook Comments