Tropa ng PNP-SAP, idineploy sa Batasang complex

39

Idineploy sa tapat ng Batasang complex sa Quezon City ang hindi mabilang na tropa ng PNP-Special Action Forces.

Ang SAP troopers ay galing ng Camp Bagong Diwa sa Taguig at naghihintay sa anumang instructions.

Bukod rito, agaw pansin din sa mga motorista ang ilan truck ng PNP, ambulansya at mga sasakyan ang naka-antabay sa station 6 ng Quezon City Police District na malapit lang sa Batasang Pambansa.

Hindi naman matiyak kung may kinalaman sa pagbabalik sesyon bukas sa Kamara ang paged-delopy sa mga SAP commandos.

Facebook Comments