Sinamahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff Gen. Andres Centino si Australian Deputy Prime Minister at Defense Minister Richard Marles sa pagbisita sa mga tropa ng 6th Infantry Division sa Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon.
Ang dalawang opisyal ay malugod na tinanggap ni Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Roy Galido at 6ID Commander MGen. Alex Rillera sa Headquarters ng 6ID.
Binisita din ng 2 opisyal ang AFP-Australian Defense Force Joint Training site na nasa area of responsibility ng 6ID.
Ang pagbisita ni DPM Marles sa 6ID ay bahagi ng 3 araw na pagbisita sa bansa upang mapatatag ang ugnayan pandepensa ng Pilipinas at Australia.
Bilang pagsulong ng kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Australia, una nang napagkasunduan nina DPM Marles at Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge Carlito Galvez Jr., ang pagsasagawa ng regular na Defense Ministerial meeting sa pagitan ng dalawang bansa.