Sinimulan na ang emergency evacuations kasunod ng inaasahang pagtama sa lupa ng pinakamalakas na tropical cyclone sa India sa loob ng 20 taon.
Ang tropical cyclone Fani ay nasa Bay of Bengal na may lakas ng hanging nasa 250 kilometers per hour at pagbugsong nasa 305 kilometers per hour.
Katumbas ito ng isang “category 4 hurricane” sa Atlantic o “super-typhoon” sa Pacific.
Ngayong umaga ay magla-landfall ito sa Odisha.
Naka-antabay na ang coast guard at navy para sa relief at rescue operations habang ang army at air force units ay nakatalaga sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.
Kinansela na ang ilang flights at pasok sa mga eskwelahan.
Tiniyak ni Indian Prime Minister Narendra Modi na maibibigay ang lahat ng kinakailangang tulong at ipinapanalangin ang kaligtasan ng kanyang mga mamamayan.