TROPICAL CYCLONE MEKUNU | Philippine Consulate General sa Jeddah, pinag-iingat ang mga Pilipino sa Saudi Arabia

Pinag-iingat ng Philippine Consulate General sa Jeddah ang mga Pilipino na nagtatrabaho sa Saudi Arabia sa malakas na bagyo na nagland-fall na sa western region.

Ayon kay Consul General Edgar Badajos, pinapayuhan ang mga kababayan sa western region lalo na ang mga nakatira sa Najran at kalapit na lugar na mag-ingat sa malalakas na ulan at flashfloods dulot ng tropical cyclone Mekunu.

Batay sa Saudi General Authority of Meteorology and Environment Protection, posibleng humina at maging tropical storm ang bagyo subalit magtatagal pa ang malalakas na ulan hanggang bukas, May 29.


Sa datos ng konsulada, tinatayang nasa 8,000 Pilipino ang nasa Najran.

Facebook Comments