Tropical Depression Carina napanatili ang lakas

Patuloy pa ring kumikilos ang Tropical Depression Carina pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour (kph).

Huli itong namataan sa layong 165 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 kph at pagbugsong 55 kph.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa bahagi ng Batanes, Babuyan Islands, at hilagang- silangang bahagi ng Cagayan na kinabibilangan ng Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Eastern Lal-Lo, Eastern Gattaran, at Eastern Baggao.


Bunsod nito, asahan na ang malalakas na pag-ulan na may kasamang pagbugso ng hangin sa mga nasabing lugar.

Makakaranas din ng mga pag-ulan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil pa rin sa nasabing sama ng panahon.

Samantala, magiging maganda naman ang panahon sa Visayas at Mindanao maliban na lamang sa mga localized thunderstorms sa gabi.

Inaasahan namang hihina at magiging Low Pressure Area (LPA) na lamang ang nasabing bagyo sa Miyerkoles, July 15, 2020.

Facebook Comments