Tropical Depression Dante, magpapaulan sa Caraga at Davao Region

78

Lalo pang lumakas ang Tropical Depression Dante habang kumikilos pa kanluran sa Philippine Sea.

Huli itong namataas sa layong 820 kilometers Silangan ng Mindanao.


Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong hanggang 70 km/h.

Magdadala ang bagyo ng mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Caraga at Davao Region sa susunod na 24 oras.

Maaari itong magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Wala pa namang itinataas na Tropical Cyclone Wind Signal dahil sa bagyo pero inaasahang magiging isa itong tropical storm bukas ng umaga.



Facebook Comments