Tropical Depression Ramon, isa nang tropical storm – PAGASA

137

Isa nang tropical storm ang tropical depression na binabantayan ng PAGASA na ngayon ay tinawag na bagyong Ramon.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 385 km, silangan, timog-silangan ng Borongan City, Eastern Samar kaninang 10 ng umaga.


Taglay nito ang lakas na 65kph malapit sa gitna at pagbugso na 80kph.

Kumikilos si Bagyong Ramon, west north west sa bilis na 20 kph.

Nakataas ang babala ng bagyo bilang 1 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Eastern Samar at Northern Samar.

Facebook Comments

From Advertisers